DVB RMHS Logo

Welcome to the Official Website of Dr. Victoria B. Roman Memorial High School

A public secondary school committed to nurturing excellence, character, and future-ready learners.

|
Brigada Eskwela
brigada pagbilang
Brigada Eskwela
Earthquake Drill
Project EcoWatch
PEACE
Project Watch
Showing posts with label HUMSS Club. Show all posts
Showing posts with label HUMSS Club. Show all posts

Sa DVBRMHS, bawat Strand may Pangarap, bawat Victorians may Kinabukasan!

Sa Dr. Victoria B. Roman Memorial High School, ang bawat mag-aaral ay may tinig, may pangarap, at may kinabukasan. Dito, walang maiiwanan.

Sa larangan ng edukasyon, ang pagpili ng strand ay isang mahalagang hakbang patungo sa magandang kinabukasan. Hindi lamang upang maghanda para sa susunod na kabatanata ng buhay, bagkus ito ay magsisilbing gabay tungo sa mga pangarap at tagumpay. Ang Senior High School ay hindi lamang para sa karagdagang taon ng pag-aaral, kundi isang mahalagang yugto at bilang paghahanda na rin para sa hinagarap, at naglalayong magbigay ng tamang kasanayan para sa kolehiyo, trabaho, negosyo, at iba pa. Kaya naman higit na kinakailangan nilang maunawaan kung ang strand na Accounting, Business, and Management (ABM), Science, Technology, Engineering and Mathematics (STEM), o Humanities and Social Sciences (HUMSS) ang nararapat nilang kuhanin at nababagay para sa kanilang kakayanan.

Bilang bahagi ng patuloy na pagpapalakas ng programa ng Senior High School sa Dr. Victoria B. Roman Memorial High School (DVBRMHS), isinagawa ng HUMSS Club ang Strand Promotional Video Contest noong Pebrero 17-19, 2025. Layunin ng patimpalak na ito na ipamalas ang halaga at mga benepisyo ng bawat strand, pati na rin ang pagbibigay Liwanag sa kahalagahan ng tamang pagpili ng landas na tatahakin ng bawat mag-aaral. Higit pa sa isang simpleng kompetisyon, ito ay isang pagpapahayag ng talento, malikhaing kaisipan, at pangarap ng mga mag-aaral ng DVBRMHS, isang patunay na ang kanilang hinaharap ay nasa kanilang sariling mga kamay.

Sa patimpalak na ito, bawat pangkat mula sa Grade 11 at 12 ay hinikayat na gumawa ng isang maikli ngunit makabuluhang promotional video na nagpapakita ng diwa at benepisyo ng kanilang napiling strand. Ang mga video ay sinuri gamit ang dalawang pangunahing batayan: 60% ng iskor ay mula sa voting likes, kung saan pinatunayan ng mga kalahok ang kanilang impluwensya sa social media sa pamamagitan ng paglikom ng pinakamaraming reaksyon sa kanilang video, at 40% ng iskor ay mula sa kalidad ng nilalaman, kung saan masusing sinuri ng mga hurado ang mensahe, malikhaing presentasyon, at epekto ng video. Ang hurado ay binubuo ng tatlong eksperto sa larangan ng edukasyon at sining, sina Bb. Jelyn V. Dela Torre, Gng. Mary Grace C. Basical, at Gng. Alijah Louise Dalde.

Matapos ang tatlong araw ng masusing deliberasyon at kumpetisyon, itinanghal ang pangkat HUMSS Rosal mula sa Baitang 12 bilang kampeon. Ang kanilang video ay nagtaglay ng masining at detalyadong paglalarawan ng mga oportunidad na hatid ng HUMSS Strand, tulad ng mga posibleng karera sa larangan ng komunikasyon, sining, pamamahala, at agham panlipunan. Ang kanilang malikhaing presentasyon ay nagbigay inspirasyon at nagpatibay sa kahalagahan ng HUMSS bilang isang strand na may malawak na saklaw at malaking potensyal sa hinaharap. Kasama ng kanilang sertipiko ng pagkapanalo, ang kanilang video ay nagbigayinspirasyon hindi lamang sa kanilang mga kaklase kundi sa buong paaralan. Ang kanilang tagumpay ay isang patunay na ang bawat strand ay may kwento, may layunin, at may magiging bunga.

Isa sa pinakamahalagang layunin ng patimpalak na ito ay palakasin ang bilang ng mag-aaral na magpapatala sa Senior High School ng DVBRMHS, gayundin ang pagpapakita sa mga magulang at mag-aaral na ang paaralang ito ay may kakayahang magbigay ng dekalidad na edukasyong magbubukas ng mas maraning oportunidad tungo sa isang maliwanay at matagumpay na kinabukasan. Sapamamagitan ng mga natatanging video na inilahad ng mga kalahok, naipinta ang makulay at masiglang diwa ng DVBRMHS, isang paaralang hindi lamang nagsisilbing tagapagturo ng kaalaman kundi isang kanlungan ng pangarap, pag-asa, at posibilidad.

Higit pa sa isang simpleng patimpalak, ang Strand promotional Video Contest ay isang paraan ng pagpapakita ng mga natatanging kakayahan ng mga mag-aaral sa DVBRMHS. Naging daan ito upang ipakita ang kahalagahan ng bawat strand at upang mahikayat ang iba pang mga magaaral na mag-enroll sa Senior High School ng paaralang ito. Isa rin itong pagkakataon upang ipakita ang makabagong paraan ng edukasyon na ginagamit sa DVBRMHS, na nagsusulong ng kahusayan at inobasyon sa pagtuturo at pagkatuto. Sa pamamagitan ng mga malikhaing video, naipamalas ng mga mag-aaral na ang DVBRMHS ay hindi lamang isang paaralan ng pagkatuto, kundi isang tahanan kung saan hinuhubog ang mga pangarap at itinataguyod ang tagumpay. Dito, bawat silid-aralan ay nagiging saksi sa pagsisikap, at bawat guro ay gabay sa pag-abot ng mga adhikain At bakit nga ba DVBRMHS? Dahil dito, hindi ka lamang mag-aaral kundi magiging bahagi ng isang pamayanan. Ikaw ay kanilang aalagaan at hindi iiwan.

Hindi lamang edukasyon ang kanilang iaalok kundi pati na rin ang mga karanasang hindi mo makalilimutan. Huhubugin ng paaralang ito ang iyong talento at pagkakaroon ng marangal na asal. Bawat hakbang na iyong gagawin, sila ang magsisilbing liwanag mo sa tuwing ikaw ay makadarama ng dilim ng pagaalinlangan. Kaya kung ikaw ay naghahangad ng isang dekalidad na edukasyon, halina’t magpatala sa Dr. Victoria B. Roman Memorial High School!

#HUMSSkanaVICTORIANSkapa

Search This Blog

Powered by Blogger.